Welcome to STOP Privatization Page |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
Solidarity To Oppose Privatization |
SITE INDEX Home About Us Statements Press Releases Position Papers Photo Gallery International Links Contact Email Us
|
"THE struggle of the light rail transit (LRT) workers is also our struggle and of the people in general". This was how the government employees led by the Confederation for Unity, Recognition & Advancement of Government Employees (COURAGE) summarized their statement of support for the striking LRT workers. In a statement sent to the media, COURAGE said that the strike is legitimate since the threats of privatization are threats not only to the jobs and salaries of the workers but also to the riding public who suffers the most from constant fare hikes as soon as the LRT is privatized. Profit and not service is the driving force behind businesses. This is also the reason why the state workers are up in arms against the sale of public assets and utilities. "Contrary to the claims made by the LRT management and the Department of Labor & Employment (DOLE) that various groups have infiltrated the strikes and that there is a hidden agenda behind it, we from the different sectors are supporting the strike because we know that the issue is also our issue. Everyday, thousands of government workers, who are barely able to cope with the rising cost of living, ride the LRT to make it to their offices since it is still one of the most convenient and affordable modes of mass transportation. If this will be transferred to the hands of private business, the more our salaries will not be enough to support our families", Ferdie Gaite, COURAGE President said. He added that the LRT workers under the leadership of Pinag-isang Lakas Manggagawa sa METRO- National Federation of Workers Unions-Kilusang Mayo Uno (PIGLAS-NFWU-KMU) even risk their jobs and limbs when they opposed the earlier planned PhP15.00 fare increase knowing fully well that the riding public is already burdened by the present economic crisis. Now its the publics turn to rally behind the workers of LRT. Gaite further state that due to the unabated oil price increases that triggers the increase in the prices of basic goods and services, it is but right for the workers to demand a salary increase. And since negotiations came at a standstill, workers strike is the only option left. COURAGE also condemned the violent
dispersal perpetuated by the police and security guards
against the workers saying that the workers were only
peacefully exercising their rights. They also scored
President Estrada for issuing orders from the US to
arrest and disperse the workers. "Instead of
intervening to make a fast resolution amenable to both
parties, they are resorting to fascism". They are
set to troop to the LRT workers picketline today at
noon. # PAHAYAG
NG PAKIKIISA AT PAGPUPUGAY TAAS-kamaong nagpupugay ang mga manggagawa at kawani ng pamahalaan sa mga manggagawa ng light rail transit (LRT) na naglunsad ng welga. Tagumpay ang isinagawang welga sa pamumuno ng Pinag-isang Lakas Manggagawa sa METRO-National Federation of Workers Unions-Kilusang Mayo Uno (PIGLAS-NFWU-KMU). Wasto at napapanahong napatampok sa labang ito na welga ang sagot laban sa pribatisasyon at welga ang sandata ng mga manggagawa upang ipagtanggol ang sahod, trabaho at karapatan. Sa pambabale-wala at pagmamatigas ng management na dinggin at ibigay ang iginigiit na dagdag na sahod ng mga manggagawa, walang natitirang pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang lumabas at sama-samang kumilos. Welga ang ekspresyon ng pagkakaisa at kalasag ng mga manggagawa laban sa pambubusabos at pagsasamantala. Pinatunayan din ng welgang ito na ang laban ng mga manggagawa ay laban din ng mamamayan. Bukod sa siguradong tanggalan ng mga manggagawa, pipinsala sa halos 400,000 mga sumasakay sa LRT ang planong ibenta ang LRT na naturingang pangmasang transportasyon. Tiyak na mas mataas na pasahe at walang makapipigil sa patuloy na pagtataas nito kapag nasa kamay na ito ng pribadong negosyo. Hino-hostage na nga ang publiko ng dambuhalang kartel ng langis, pipigain pa upang pagkamalan ng sobrang tubo kung LRT ay maisasapribado. Ito ang matinding nilalabanan ng mga manggagawa at dapat ding labanan ng mamamayan. Samantala, mariin naming kinokondena at tinututulan ang paggamit ng pasismo ng sabwatang estado at management ng METRO Inc. Tulad ng inaasahan, marahas at sapilitang binubuwag ang mga barikada at piket-layn ng mga manggagawa. Tinatakot at ginigipit ang mga kasapi ng unyon sa bantang sasampahan sila ng kasong kriminal. Mismong si Estrada pa na nasa US ang nag-utos na atakehin, arestuhin at pagbayarin ang mga manggagawa. Nauna rito, nagpahayag na ng pagpanig sa management ang DOLE sa pamamagitan ng pag-isyu ng assumption of jurisdiction (AJ) at return-to-work order. At sa desperasyon ng pamahalaan at management, binibintangan ng pananabotahe ang mga welgista at iana-akusahang impiltrador ang mga taga-suporta nila. Subalit hindi kailanman mananaig at magagapi ng pandarahas at pamamasismo ang isang lehitimong welga. Ito ang ipinakitang tatag at tibay ng paninindigan ng mga manggagawa na nagsisilbing inspirasyon at balon ng paghahalawang aral ng iba pang manggagawa. Kaisa at kabahagi kami ng laban ng mga manggagawa sa LRT. Tama na igiit ang dagdag na sahod sa harap ng tumitinding kahirapan dulot ng patakaran ng Rehimeng US-Estrada na nagsisilbi sa interes ng iilan. Welga ang tunay na sagot laban sa pribatisasyon! Sabwatang pamahalaan, dayuhang monopolyo, burukrata kapitalista at pribadong kapital ang pursigidong ipatupad ang pagbenta sa mga pag-aari at serbisyong publiko tulad ng tubig, kuryente, pagkain, pabahay, ospital, pamilihan at iba pa. Dapat labanan ang isang patakarang ibayong magpapahirap sa mamamayan samantalang gumagarantiya ng limpak-limpak na tubo sa gahamang iilan. Walang idududlot na buti ang pribatisasyon, bagkus ay malawakang tanggalan at pang-aapi sa manggagawa at pagkakait ng kakarampot kundi man halos wala na ngang serbisyong panlipunan sa mamamayan. Iisa ang ating laban, iisa ang ating layunin ang magtagumpay ang welgang inilunsad natin. LABANAN
ANG PRIBATISASYON! |
Contact us
at: |
Reactions: |